"I will never deny my feeling for you ever again. At sisikapin kong maging isang mabuting asawa para sa iyo at mabuting ama para sa mga magiging anak natin."
Si Arissa Hudson ang pinakabagong kitchen help ng Club 56. Isa rin siyang prospective client ng club na palihim na nag-i-specialize sa pagpaparusa sa mga lalaking nananakit sa damdamin ng mga babae.
Sa sitwasyon ni Arissa, kailangan niya ang tulong ng Club 56 upang maparusahan si Steel Gerickson. Itinaboy at binale-wala siya nito pagkatapos siyang paibigin.
Ngunit sa pag-iimbestiga ng Club 56, hindi ganoon kasimple ang kuwento niya at hindi rin ordinaryong lalaki si Steel Gerickson.
Nang tanggapin ng club ang kaso niya, inakala niyang makakapaghiganti na rin siya sa lalaki. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang ibalik siya niyon sa piling ni Steel at ipakasal pa rito!